Frequently Asked Questions

Puntahan po ang aming How-to-be-a-Biker page para makita ang buong listahan ng requirements at proseso ng pag-apply.

Pwedeng kumita ng P1500 sa isang araw kapag full-time, at mga P500 kapag part-time na bumibiyahe. Tandaan lang po na gaya ng alinmang negosyo, ang kita niyo ay base talaga sa inyong sipag at tiyaga. Kapag mas maraming booking ang kukunin ninyo sa isang araw, siguradong mas mataas din ang kita. 

Pwedeng full or part-time para kumita sa platform bilang biker dahil parang negosyo mo na talaga ito. Hawak mo talaga rito ang oras mo, at ikaw na bahala kung gaano katagal kang bibiyahe sa isang araw, maging 4 hours o 12 hours man yan. Kung mas matagal kang bumiyahe, mas malaki kikitain mo.

Maliban sa karagdagang kita, ang iilang benefits pa ng pagsali ng Angkas ay ang sumusunod:

  • Para hindi niyo na problemahin, bibigyan kayo ng helmet, raincoat, mask, at shower cap para sa inyong mga pasahero.
  • Makakuha ng libreng gear (gaya ng helmet at vest) at mga incentives ang mga high performing at top riders.
  • Bawat biker po ay covered ng Personal Accident Insurance kung sakaling ma-aksidente. 
  • Ang lahat ng bikers namin ay makakukuha ng libreng safety training mula sa mga certified instructors.

Not able to find your answer here?

Please feel free to contact us via this number or e-mail:

+63 921 934 3410
+63 917 447 7816